batanguenong gala

'' mutantur omnia nos et mutamur in illis''
All things change, and we change with them.

cabron

December 14, 2007

i've been very busy the past months that updating my blog becomes the last in my priority… I remembered that the last time i wrote  something on my blog was 6 months ago.I've encountered a lot since then…travel, work, personal etc…hopefully, i could grasp again my writing instinct and attack the blogosphere with a vengeance bwehehe.

first things first. im currently here in the land of our nation's boxing nemesis. en estados unidos mexicano.

and contrary to what we've heard, this is, i think, one of the friendliest countries that i've been to. the people here are kind and warm. the only problem i have here is that i don't speak spanish, except for some Filipinized Spanish words that we know i.e, atras, abante, salida, por que, como esta, mas y menos, gastos, lugar, calle, centro, etc.

and, one word that stuck to my mind is their word "cabron" . bale kung baga sa atin, ito ang word na parang "gago" or animal, pero pwede ring gamitin bilang "tsong" , para or tropapips.  bale depende ito kung paano i dedeliver ng nagsasalita ang litanyan yun…kahit nga ang Red Hot Chili Peppers ay may isang kantang dedicated sa salitang latinong ito.

At siempre, dahil nga sa araw araw na ginawa ng dios, as in por dios por santo, e espanol ang salita ng kausap ko, no choice ang ating hero na mag aral ng espanol, ika nga e "habla espanol senor hernandez".  bumili ako ng spanish phrase book, dictionary, and search our friendly neighboorhood youtube para matutunan ang kanilang salita. Sa bagay na ito ay nanghihinayan ako, kung bakit ba naman tinanggal ni pangulong Cory ang spanish sa ating kurikulum.

oo nga at tama si pareng heber bartolome sa kanyang awiting tayo's mga pinoy, pero sa mundong ating ginagalawan sa panahong ito, we have to adopt to the change ika nga, otherwise we will not survive. kasi nga, i worked in a global company with a footprint on almost all the continents, learning the major languages aside from english would be an advantage.

teka. medyo na binat yata ako…marami rami na ulit, sana e mag tuloy tuloy na ang pagsusulat ko ulit …:-) 

sa susunod, i popost ko ang mga litrato ng mga signage dito sa mexico, palibhasa di ko kaagad naiintindihan, minsan lagi akong me mga bloppers :-)  

 

 

Posted by hernandez at 4:23 am | permalink | comments[2]

karachi

June 5, 2007

after more than a month of hiatus, medyo parang sinisipag na ulit akong mag gawa ng blog…although kinukondisyon ko pa rin ang aking utak to continue writing.

 as of  the moment ay narito na naman ako sa karachi, here in pakistan.

and what can you expect about it…parang lahat e negative. ito nga rin marahil ang dahilan kaya wala akong ganang magsulat.

teka, kakain muna ako…tapusin ko na lang mamaya itong post ko 

Posted by hernandez at 11:13 pm | permalink | comments[1]

bisa

April 20, 2007

nakuha ko na rin sa wakas ang bisa ko for pakistan. as what i mentioned the last time, medyo maraming requirements for that visa as compared to china visa. eto ang diperens:

china:

>medyo mahaba ang pila pero okey lang mabilis naman magprocess, tsaka i usually see to it that i am at the world trade building sa buendia before 6 am, 8 am nagpapapasok and 9 am nagbubukas.

>fill up application form + pictures

>submit passport + certificate of employment + invitation if meron

>pay P3800 for next day processing

>visa will be released kinabukasan.

 

pakistan:

>get NBI clearance(travel abroad)

>authentication sa malacanang at DFA, pero starting April pala, sa DFA na lang, nag byahe pa ako ng 5 am to malacanang.
(more…)

Posted by hernandez at 3:27 pm | permalink | comments[4]

pilipins

April 18, 2007

dumating ako ng pilipins last saturday evening. then at around 9p.m., my brother sent an sms that our tropa daw has gimik sa makati. kaya, nagpahinga lang ako ng mga 1 oras then takbo na sa may greenbelt 3 para makipag inuman bwehehehe.

na miss ko kasi ang masarap na san mig light, expertly brewed by my former employer hehehe. ok na rin pala ang gimikan sa greenbelt ngayon, malayo na sa greenbelt na kilala ko before, eventhough i lived in makati for 6 years before, e almost four years kasi akong nakatira sa muntinlupa so medyo alien na sa akin ang lugar hehehe.

daming tao that night, ika nga e di mahulugan ng karayom, pero di namin alintana yun, masarap kasing uminom talaga ng serbesa ng san miguel hehehe.

kaya naman almost 3 am na ako naka uwi. :-) . nalaman ko tuloy na bawal na palang pumasok sa NBP ang mga sasakyan, private man o public after 12mn, buti na lang nag commute lang ako that night kaya lumipat lang akong tricycle na nasa loob ng bilibid.

bukas, ikwento ko naman ang nangyari sa aking pag-aapply ng visa for pakistan. dami kasi nilang ekek requirements, di kagaya ng china, basta magbayad ka lang ng visa fee, then dagdagan mo para rush, after 1 day me visa ka na. sa pakistan, parang kelangan mo pang mangumpisal :-)

 

Posted by hernandez at 5:13 pm | permalink | comments[2]

pakistan

April 12, 2007

i was advised today by my boss that i will be assigned to pakistan. he asked me to book my return flight to pilipinas kong mahal asap and to apply for pakistan visa by monday in manila.

alsa balutan muna ulit sa hotel mamayang gabi…

this is the nature our job, parang marines, always prepare your duffle bag for your next assignment.  on the positive side, i will look forward for another experience, now in east asia.

pakistan, here i come.

Posted by hernandez at 9:46 am | permalink | comments[5]

…about china

April 11, 2007

been here in china for almost  three months na. medyo malaking adjustment talaga ang kelangan mo para makatagal ka dito. ito ang ilan sa mga na-experience ko na:

1. malamig dito pag january to march. nung unang byahe ko dito last january, para ako palaging nag sisigarilyo kasi umuusok ang bibig ko sa lamig. kaya bumili kaagad ako ng makapal na jacket, buti na lang maraming japeks dito sa china, di naman halata , hahaha.

2. always ensure that you have a calling card of your hotel and work written in chinese , kasi nga di marunong mag english ang mga dilaw, lalo na ang taxi driver. kung meron man e swerte mo.

3. wag magulat kung dumudura, actually dumadahak nga e, ang mga dilaw anywhere. as in anywhere even in hotel lobby, syet

4. kung me konting problema ka sa work, then nagtanong ka or humingi ng tulong sa mga dilaw, siguradong mag ququadruple and problem mo, and the original problem will still be there. kaya ako, oido na lang, hassle pag humingi ka ng tulong sa kanila

5. mahal ang cell phone dito. mahal din mag roaming, paking syet, 100 petot per minute, makatarungan ba yun. then ang sim card mo from another city is treated na parang roaming pag lumipat ka ng ibang city, mas mataas nag rate. no choice kundi bumili ulit ng bago. tatlo na ang china mobile sim ko.

6. on cell phone again, me bayad dito both outgoing and incoming calls. kung wala ka nang load, di ka na rin matatawagan and matetext.  kaya naman napakalaki ng kita ni china mobile. buti nga me YM at chikka, nakakabawas sa gastos.

7. napakahirap umorder at kumain sa chinese restaurant, kaya di na ako kumakain sa walang english translation, one time, aso pala yung kinain namin, masuka suka ako nung nalaman ko…ewww . swerte nga dito sa changchun, me pizza hut, KFC at Mcdo, then merong hotpot na me english translation.

8. malansa ang amoy ng mga dilaw, mapa babae man or lalaki, di yata uso ang toothbrush dito. pumapasok din sila ng parang di pa naliligo.

9. kahit anong sarap ngpagkain sa hotel, nakakasawa rin kung araw araw ay walang variety. di ko lang mai-compare sa pinas kasi di naman ako nag hohotel doon. hahaha

isip pa ako, dadagan ko itong list na ito 

 

Posted by hernandez at 10:01 am | permalink | comments[4]

the pursuit of happyness

April 7, 2007

the week before i went back to china,  i watched will smith's movie about a man's life struggle in america titled the pursuit of happyness . it's a story of a man who started as a loser but eventually became one of america's richest people. ito yung tipong "pag me tyaga me nilaga" type of movie.

 sabagay, kahit saang bagay naman applicable and tagline ni manny villar. ito rin ang nangyari sa akin,marami akong inaplyan bago ko natagpuan ang present company ko. every time i was interviewed ay parang napapraktis na rin for the next company.

and also, the week before i took the technical exam and interview for sidel, i spent four nights studying Siemens s7 PLC programming.

mabuti naman at natanggap ako. four days after ay pinadala na ako sa shanghai for a comprehensive automation course, and the rest as they say is history. sana nga lang e maging kasing swerte ako ni Mr. Chris Gardner hehehe.

Posted by hernandez at 1:26 pm | permalink | Add comment

holy friday

April 6, 2007

eto lang ang hirap if you're in a country that is not catholic. hindi holiday ang holy week, me pasok kami, di ko tuloy mapag nilayan ang ginawang pagpapasakit sa atin ni papa jesus.

then kanina, pagdating namin sa project site, di pala mag proproduction ang linyang ginagawa namin, paksyet naman o, pinapasok pa kami, tutunganga lang pala kami. buti na lang nakasingit dito sa internet connection sa opisina ng mga "yellow brothers" kaya update na lang ng blog.

binasa ko kagabi ang post ni kuya batjay (2007 best ofw blogger btw) about a tv series titled "weeds". sounds interesting so i downloaded it's OST thru the ever reliable bitcommet. maganda nga ang OST nya, especially yung wacky tobacky, pang tsongki ang dating.

ngek, holy friday nga pala ngayon, bad me, bakit tungkol sa tsongki ang naisulat ko. anyway, palabas lang naman sa tv. :-)  

 

 

Posted by hernandez at 10:26 am | permalink | comments[2]

changchun again

April 3, 2007

02 - Lifehouse - You and Me

last week, after exactly seven days in da pilipins, lumipad ulit ako papuntang china para bumalik sa changchun. this time, i asked our travel agent to book me a flight na medyo me pahinga sa hongkong, syempre para makapag window shopping and makainom ng kape sa imperyalistang kapitalistang amerikano, in short ay starbucks.
at ganoon nga ang nangyari, i left manila around 1115am and arrived at hongkong by 1:15 PM. so i have enough time to roam the big HK Intl Airport.
"
tumingin ako ng pabango sa isang "bling bling" shop doon, pero sa totoo lang e alam kong mahal so wala talaga akong balak bumili, canvass lang kung baga at the same time e spray to the max sa damit ko, polo black lang naman ang inispray ko para di maghalohalo ang amoy, yung iba e sa papel ko na lang pina buga hehehe.

after that ay umikot sa ibang store, nakadisplay pa nga ang ferrari car ni pareng michael schumacher sa ferrari apparel booth. sayang wala ako picture.

afterwards, nag check ako ng email at YM ng konti kasi meron silang libreng wifi access doon, kaso bad trip, naubos ang battery ko at ibang plug ang gamit nila doon sa hongkong, british standard plug kasi (kaya bumili na ako ng adaptor ngayon hehehe).

kaya punta na ako sa kainan, di ako nakapag kape sa starbuko kasi tom jones ako so i just went sa fast food, popeye's chicken, kaso wala silang kanin doon, tsaga tuloy ako sa mashed potato. me nakilala akong dalawang pinay from isabela, mag susugal ng kapalaran sa dubai, silang dalawa pala ang dahilan kung bakit na delay ang flight namin kanina sa manila, kasi naipit sa immigration yung sinusundan nila, e boarding na. naiwan pa nga daw nila yung isang padala atsutsutso ng isang kasamahang pinay.

at around 5 pm ay pinasakay na ulit ang mga pasahero na papuntang shanghai, kakwentuhan ko sa waiting lounge ang isang matanda(about 70 y.o.) na intsik, former stanford university professor, tapos katabi ko rin pala sa eroplano, mabait si manong and speaks good english, professor nga.bale papasyal pasyal na lang daw siya kasi nga retiro na. inimbitahan ko ngang pasyalan minsan ang pinas, sabi ko maganda naman pumasyal sa pinas especially kung marami kang pera, wow pilipins kung baga.

mag 10 pm na ako nakarating sa ramada plaza hotel, kapagod talagang bumiyahe, kahit nakaupo ka lang, siguro yun ang tinatawag nilang jetlag.
pagdating ko sa hotel e wala na sa lobby yung mga pinoy singers, baka nasa basement bar na, pero wala talaga akong ganang pasyalan sila so i decided to eat na lang sa kwarto, umuulan kasi noong gabing iyon sa shanghai.

the following day, namasyal ako sa shanghai city, at ibinili na rin ng wireless mouse si maam bingbing ko from the pilipin opis. mura talaga sa china ang bilihin, mahirap lang tumawad kasi intsik salita hehehe.

at around 5pm e sakay na naman ako ng eropleyn. this time from shanghai to changchun, via dalian airport.

i arrived at changchun shangrila at around 10 pm, nandun pa rin sa lobby sina lesly at jojo performing their beautiful ballads. after their performance, iniabot ko na ang padala sa kanilang chicharon,  boy bawang, sampalok, piyaya at hopia baboy  ng mga nanay nila.

then the next day, back to work, semi production na ang linya ng tubig na itinayo namin, pero me problema pa ang iced tea line.

gotta go…later ulit haba na e hehehe.

Posted by hernandez at 1:24 am | permalink | comments[2]

offline

April 2, 2007

it's been quite a while since i last updated my blog and many things have happened since.babawi ako ngayon, medyo mahaba ang kwento ko.

to start, i went back to manila last February 11 and returned to Shanghai on February 19. I report to work at our Shanghai office the following day, where my Italian superior, Alejandro, gave me project update for my assignment. I also bought an airplane ticket for my flight to Shijiazhuang, Hebei province.

Bad Day

I was booked at the Ramada Plaza in Pudong and there are 4 Pinoy singers at the lobby. ang nakakainis lang e parang nagtaas ng kilay yung isang pinay, parang sinasabing bakit ako nandoon sa Ramada e mukhang gusgusin naman ako. Di ko na lang pinansin, wala ako sa mood makipagkulitan that night e. di ko na tuloy pinuntahan yung bar na kinakantahan nila sa basement ng hotel, di sila kasi friendly hehehe.the crab mentality in them still exist.

Februrary 21. I left Ramada at around 5 am for my 7am flight to Hebei. the plane arrived at Shijiazhuang around 10 am. I then took a cab to out project site at longyao, xingtai, hebei province, about 2 hours drive from airport, since antok na antok ako so i didnt mind the long travel, tinulugan ko na lang. immediately upon arrival, sabak kaagad sa trabaho, cable and sensor installation.

from the plant, we travelled for an hour to the hotel at the nearby city, Xingtai City. 5 star na raw yun, pero di kagandahan, parang 3 star lang sa atin. mabagal pa internet connection.

the problem with xingtai city is that there aren't much wester restaurant. only KFC is present. on my 3 weeks stay at xingtai, about 90% ay sa KFC ako. buti di ako nagkapakpak hehehe. ang kainis pa, sarado na ang mga mall at grocery ng 7pm, e ganoon oras kami dumarating, kaya di ako makapag window shopping pag nalulungkot ako…di kagaya sa shanghai.
dito nga lang sa city na ito una ko na experience ang snow, masarap lang sa una ang snow kasi nga wala sa pinas, pero after a while ay magsasawa ka rin, kasi nga malamig, you will choose to stay locked na lang sa hotel room mo.

isa pa,ako lang ang pinoy doon for about 2 weeks, only on the later part of my stay dumating si jerry so at least me kakwentuhan na ako hehehe.

on March 9, our site manager adviced me that i, together with a senior automation engineer, Ruggero (italian) will be flying to changchun city for another project assignment. hence, at about 3 am on march 10, we left xingtai, hebei, and travelled by taxi to beijing. paking syet, 6 hours drive, buti na lang antok ulit ako so tinulugan lang namin ang byahe. from beijing, we flew by plane to changchun, jilin province. ang lamig lalo dito sa city na ito, -10 nung dumating kami, hanggang tuhod pa nga ang yelong matigas sa kalsada. ok lang ang lamig e, kaso pag humangin na, taragis, ang sakit sa mukha.

compared to the previous city, changchun is a paradise. the hotel is very nice, very good actually kasi Shangrila. and our discount is really big, we are only paying about half of the regular rate. the room accomodation is executive kingsize. me bayad nga lang ang internet, di kasama sa hotel rate.

gusto ko dito sa changchun, katapat lang ng hotel namin ang WALMART, and it closes at 1030 pm, enough time to buy after work. on the negative side, wala namang canteen sa site so wala kaming lunch doon. nanglulupin na lang ako ng tinapay sa hotel pag nag breakfast kami para me makain  sa trabaho.

ang kagandahan dito ay apat kaming pinoy na nagkasama sama, si bossing lito, si mark at si jerry. nung 3rd day namin dito, tumambay kami sa hotel lobby, me piano player and singer kasi na mukhang pinoy, e dahil nga sa "bad experience" ko sa Ramada Plaza Pudong, di kaagad namin binati. yun pala, kaya di rin kami kaagad mabati e napagkamalan kaming thailander, kasi nga suplado daw kami sa personal.

nung nagkausap na kami e napakabait pala nila, lesly at jojo ang name nila, they've been here for about 3 years na yata. sarap ng buhay nila kasi their job starts at 7:30 to 11:15 pm only. libre kain at naka tira sa suite ng shangrila. imagine, nag eenjoy ka na sa hilig mong pag kanta, libre pa lahat. after their set ended, they invited us to go to a bar, San Marco ang name. walandyo, pinoy band ang nandoon, mababait din,sila leo, nick, william, ian, josh at nica at lahat ay batangueno. nagamit ko tuloy ulit ang aking puntong ala-eh. meron silang kaibigang German na me asawa pinay at tumira na sa pampanga, me dalang gin bulag, so gin pomelo ang tinira namin that night. after the bar, we went to a barbeque restaurant near the band's apartment, inom na naman upto 3 am, di ko na nga alam paano ako nakabalik sa hotel hehehe.naiwan tuloy ako ng taxi the following day.

bumalik kami sa San Marco three days after with bossing lito, mark at jerry. lasing na naman sobra, buti nagising ako, flight ko na kasi the following day. sarap din dito talaga sa changchun, kahit napakalamig e mainit ang pagtanggap ng kapwa natin pinoy.

on march 17, i flew back to shanghai via dalian. namasyal muna ng konti sa city, pinapalitan ko rin ang external hard disk ko na nasira sa xingtai. then on the 18th, flew from shanghai to hongkong then to manila. an ayaw ko sa stopover na ito is that i have'nt have a chance to roam the airport to shop kasi halos pag dating ng hongkong, lipat na agad sa plane to manila, di na ako nakapag starbucks. pagod na pagod ako sa byahe, dumating ako sa manila ng mga 730 pm, tom jones na tom jones, buti na lang masarap ang ulam sa bahay, salamat for the delicious cooking moms moms.i missed the lutong bahay talaga.

bukas ulit

Posted by hernandez at 3:44 pm | permalink | Add comment

mcdo waigaoquiao

January 28, 2007

kahapon, since it's saturday, walang pasok sa office but we still have to continue our training. inaantok nga kaming lahat kasi medyo boring yung dinidiscuss in mr. cesare(our teacher).

  nung nakakwentuhan ko sya during our break, sinabi nya na puyat daw sya kasi nag bar hopping yata silang mga italiano the previous night.

 

buti upto 5 pm lang kami kahapon instead of the usual 6pm. pero, kasi nga walang office, di kami naitawag ng taxi, including mr. cesare, so lakad kami papalabas ng planta. almost 3 long blocks pa bago nakasakay si teacher, then kami ng tropa e nagkayayaan na mag mcdo

 

it is still about 600meters walk, pero worth it naman kasi ang sarap kumain sa mcdo dito, parang mas masarap or talagang napagod  lang kami sa kalalakad. i ordered only chicken burger and nuggets kasi parang nauumay ako kung me fries pa, yung isang kasamahan ko, itinodo, eto inorder nya, hehehe.

 

enjoy talaga kumain to a place na familiar ka, I even bought  happy meal toys for my kids…

   

kitakits sa McDo 

 

Posted by hernandez at 9:36 am | permalink | comments[6]

kala

January 27, 2007

recently, before i was shipped here in china, nakabili ako ng mp3, alternatibong pinoy na mga banda,  i copied it to my external hard drive, and yun ang nag papawala ng aking kalungkutan while away from my family.

 

pinakikinggan ko nga ngayon ang kanta ng KALA, grabe nakaka addict siya pakinggan. very kewl music, napapasayaw ako mag isa ;-)

 

galing kasi ng rhythm, di ka siguro pinoy pag di mo nagustuhan ang jeepney

http://www.youtube.com/watch?v=C537vi-3_uE

Jeepney
Kala

Excuse me miss, mawalang galang na
Kanina pa kita kasi napapansin
Magkakilala ba tayo, ay hinde eh pasensya na
Excuse me miss, ako'y mangungulit lang po
Ang ganda mo palang tumawa
Pwede bang magpakilala, magpakilala sa'yo
Huwag kang matakot sa akin
Hindi ako multo
Kung ayaw mo ok lang
Pasuyo nalang ng bayad ko, ng bayad ko

Sukob na, konti nalang at aandar na ang ating jeepney
Sandaang tao ang nakasakay tila galit at naniniksik pa
Tara na, konti nalang at aandar na ang ating jeepney
Hindi na makapag hintay na umuwi kasama ka

Excuse me miss, mawalang galang na
Kanina pa kita kasi napapansin
Magkakilala ba tayo, ay hinde eh pasensya na
Huwag kang matakot sa akin
Hindi ako multo
Kung ayaw mo ok lang
Pasuyo nalang ng bayad ko

Sukob na, konti nalang at aandar na ang ating jeepney
Sandaang tao ang nakasakay tila galit at naniniksik pa
Tara na, konti nalang at aandar na ang ating jeepney
Hindi na makapg hintay na umuwi kasama ka

Hello miss, nakatingin ka nanaman
Meron ka bang nais malaman
Aba oo, malapit ako doon
Saan sa may bicutan
Salamat ng marami
Dito na ako bababa
Tatawagan nalang kita (3x)

Sukob na, konti nalang at aandar na ang ating jeepney
Sandaang tao ang nakasakay tila galit at naniniksik pa
Tara na, konti nalang, konti nalang, konti nalang
Hindi na makapag hintay umuwing kasama ka 

 

Posted by hernandez at 8:45 am | permalink | Add comment

first

it's been almost half year since i created this blog, and until now e wala pa ring post, medyo busy lately and the power of the dark side keeps on increasing my procrastination powers hehehe

am currently here in shanghai, dahil medyo hectic din ang aming training schedule, which usually extends around 630 pm, pagod na pag dating sa bahay.

anyway, from now on, i will try to ensure that i could at least type a couple of paragraphs each day for this blog.

 this is really a first step

 

mutantur omnia nos et mutamur in illis
All things change, and we change with them.

Posted by hernandez at 8:31 am | permalink | Add comment

     

September 2010
M T W T F S S
« Dec    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Sponsored Links

About Me

pinoy indyinir, mula batangas, nag aral sa intramuros , nakatira sa muntinlupa.

nagsusumikap sa buhay. nagtratrabaho sa isang multi nasyonal na kumpanya. 

 

 

    

Recent Photo

my visitors are from

<a href="http://www2.clustrmaps.com/counter/maps.php?url=http://hernandez.i.ph/" id="clustrMapsLink"><img src="http://www2.clustrmaps.com/counter/index2.php?url=http://hernandez.i.ph/" />
</a>

Subscribe

Technorati
Bloglines

Message Board

cookies for sale:

cookies for sale. side line business. http://www.sulit.com.ph/index.php/classifieds+directory/q/fibisco?next=21

Watch Pacquiao Vs Margarito:

The Upcoming Big Boxing Event in the world.

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

liza:

hi…i have a pakistani frnd…i want him to visit Philippines…is it easy for him to get a visa going here in our country??? may alam ka ba dyan? could you help???

grace:

tagal ng walang updates a. you’re probably uber busy. ;)

onyxx:

uy ‘musta! tagal mong nawala a

jengkie:

hi! jz blog hopping! :)

janus3185:

kumusta na preng?

hernandez:

hi grace, thanks for visiting…

hi wits, sige, will check out the forums

grace:

bimibisita. :)

wits:

Ola. A war is raging in the I.PH forums. A gender war! I now deputize you as a member of the M.A.L.E. army. Check out the forums now. It’s serious fun!

wits:

saw you in the forums. :D wow. astig trabaho mo. travel around the world. nice. naenjoy ko posts mo. i’ll link you up. :D

janus3185:

linked you up! :D tc!

janus3185:

sure! I’ll link you up as well… :D

gacdelacruz:

hi louie! thanks for visiting my blog. sure, let’s exchange links. :)

Cheska:

hey louie! thanks 4 droppin’ by my blog.sure,i’ll add you up in my links. good day!

hernandez:

yes, on a project, am in changchun north china now, been here about 3 weeks…

janus3185:

thank you sa comment! are you in china man?

hernandez:

hi janus, regards

janus3185:

hopping through! :D

Leave a message ▼